Kakatapos ko lang manood ng 10 episode jdrama na nobuta wo produce, waw drama sya para sa akin. Nagfocus sya sa friendship ng tatlong magkaklase, isa ay sikat sa school pero puro pagpapangap lang ang lahat, isa naman ay wala gaanong pakialam sa mga sitwasyon na medyo epal at ang huli ay ang bagong estudyante na sobrang mahiyain. Napagtripan ng dalawang naunang nabangit na gawing sikat ang mahiyaing babae sa iskwela. Masaya ang palabas maliban nung patapos na, pinakabida rito ay ang sikat na estudyante. Maganda ang storia lalo na nung wala ng ibang naniniwala sa isa at iyong dalawa na lang talaga ang tumindig para sa kanya.

Ang kinaganda nun, pareho ko silang nakausap sa telepono bago sila sumakay ng eroplano paalis ng pilipinas. On the bright side, makakatipid ako ngayong darating na pasko dahil di ko kailangan bumili ng garbong regalo para sa dalawa. At kumain sa sosyalin na restaurant na lagi naming ginagawa tuwing magpapasko. Next year na lang ako gagastos pagbalik nyo. bwahahahahaha... come to think of it parang ganun din ata advance ko lang binigay ang mga regalo. Haaay, ngayon pa lang miss ko na kayo Avery at Hana! Ingat palagi...
No comments:
Post a Comment