Re-post from multiply Posted Sep 3, '08 1:08 AM
nag simula ang birthday na nasa opis pa, unang bumati si blq kasi nasa opis din sya tapos sunod sunod na text at IM na, salamat.
pagkagising, nagpaload sa tabing tindahan saka lang nagsagot ng mga text, kaya delayed ang sagot ko. pasensya.
di ko na sinagot iyong mga international text message, medyo mahal ang reply dun, hehehehe.. pasensya ulet.
kinantahan ako ni matt ng birthday song kahit medyo mahina, ayos... may candle blow pa kahit alang cake at candle.
lunch with blq and oyis sa trellis, nasabi ko ba naka leave ako. Nakita ko na opis building nila oyis.
dumaan ng opis, pahapyaw nakita ang AOP at ESP, dinumog ng bati... salamat!
coffee with mymy tagal kaya ng daldalan namen, tamis ng na order ko.
weird story, lumapit sa akin iyong isang guard sa citibank tinanong ako kung nagresign na ako at bakit hindi ako pumasok, ngiii...
siksikan sa MRT at 3:45pm, akalain mo. eh alam ko bawal na ang round trip kaya napilitan sumiksik
haircut sa P&Z kaysa magintay sa isang sulok sa shopwise bago mag out si lhen
met with len, nagplano kami ng onti bago lumarga
namili ng ihahanda, bawat ulam ibang restaurant lakas ng trip
nakasalubong si jonris sa cubao na nakaalala rin nagulat ako, salamat
met with grace syempre alam nya pinsan ko sya eh
sinundo kami ni kuya
dinayo ng mga pamangkin ko, ang saya ni matthew dami nya kalaro
kainan na, sabay nag blow na talaga ng candle si matt sa cake, ehehehe...
nakipagusap na naman ako sa aking anime-mecha-harem loving pamangkin, natutuwa ako kausap itong pamangkin ko na ito
nakipag transferan ng pictures sa psp, tuwang tuwa inaanak ko pede daw pala yun.
Paguwi ng aking makukulit na pamangkin, nagonline at nag sagot ng IM offline messages
naki pag chat with friends sa US and an old schoolmate nag plano ng get together
Si matt gabi na hyper pa rin lakas magpatawa... pampakumpleto ng araw.
solve!
Salamat sa mga pagbati, mapa personal, text, email or PM yun pa lang panalong regalo na. Salamat din sa mga nagregalo, effort din iyon ah pagisip ng ireregalo, natuwa ako.
Alang pictures para memories talaga!
No comments:
Post a Comment