Ang weekend na dumaan ay napakasaya, as usual ang bida ay ang balikbayan na si deejay. Nagsched kami sa huling weekend nya dito bago sya umalis ulet patungong MN. Nagmistulang kainan lang ang lakad namen kaya sya naging the best. Muntik ng hindi makasama sina leila dahil sa isang emergency, buti na lang umayos ang lagay at nakapagpasyang sumama na rin kinabukasan.
Nanggising si Deejay, nagkitakita sa chowking sa may C5, sina lei maaga dumating, sina mon lumampas napadpad ng petron instead, si kiko galing pang office dahil night shift, si ings as usual late. Ang init ng byahe at ang layo papuntang San Pablo Laguna. Maganda naman ang direksyon na nakuha at hindi kami naligaw, lumampas nga lang sila deejay pero onti lang naman.
Pag dating ng Casa San Pablo natuklasan namen na maganda ang lugar, hindi mo aakalain na may ganun sa gilid ng bayan. Binigyan kami ng dalawang rooms pero kasya naman kami sa isa so ginawa na lang nameng inuman at sugalan ang room na isa. Sobrang gutom na kaya ang bumugad sa amin ay buffet sa lunch na may tatlong putahe, litson, lumpiang hubad at isda.
Walang tigil ang usapan kaya medyo napatagal kami sa table, nag bilyar ang iba tapos nagkayayaan ng mag swimming. May mga kasabay kaming mga doktor na nag te-team building kaya medyo aliw din manood sa kanila. Pagtapos mag swim, medyo nahirapan lang iahon si matthew kasi ayaw na umalis sa tubig, nag dinner naman.
Ganun ulet sobrang tagal tumambay, magusap at maghalakhakan sa hapag kainan, napagtripan tuloy ng may ari na umupo sa table namen at makisalo at mag promote ng casa nya. San damukal din kwento nya at nahalata nyang nagkakalokohan na at pati sya ay hindi na namen sinasanto, coolness, ride lang sya. Niyaya nya kami na i-tour sa bahay nya, badtrip nga lang nawalan na ako ng bateria kaya ala akong picture. Very accomodating si manong butch nakakatuwa sya. Pagtapos ay nag higa kami sa banig sa may bermuda at nanood ng mga hindi gumagalaw na bituin sa langit.
Lumabas kami ng Casa at nag cape sa colette's, may coffee shop sila dun ewan ko lang kung may nag picture sa amen. Ayos naman hindi spetacular panalo pa rin ang 7-11. Di ata kami maubusan ng pagkwekwentuhan kasi tuloy tuloy eh. Di namen na try ang sinabi ni mang butch na pizza na luto sa pugod sa may total kasi sobrang busog na kami, pero ayos daw iyon sabi nya.
Pagbalik Poker na kala ko isang laro lang nag dalawa pa, hulaan kung sino nanalo syempre ang bida at dalawang beses pa. Napasarap din ang inuman nakaubos ng isang bote ng vodka kaya hayun 4am na nakatulog.
Paggising sa umaga kainan na naman buffet na naman may hot cocoa pa. Muntik pa kami di umabot kasi hanggang 9am lang, pede ba iyon, syempre hinabol namen. Para sa tatlong buffet na kainan, facilities at accomodation sulet na sulet na ang bayad mo dito, kumbaga sa review panalo!
Konting picturan lang after breakfast tapos larga na para mag lunch sa Quezon sa Ugu. Ni recommend sya ni manog butch sarap daw dun binigyan din naman kami ng direksyon. Haba din ng byahe from Lagyna pero worth it naman. Di mo lang talaga maiisip na resto pala yun. Ang sarap grabe, ang sarap yun lang masasabi ko. May ginataang puso ng saging sila na lasang hamburger at overflowing ang buko juice. SARAP!
Paguwi ng manila tuloy lahat antok (nag cape tuloy sa starbucks sa shell) pero sa lahat ng pagod sulet ang byahe dahil sa pagkain. Salamat Deejay ingat sa byahe pabalik ng states salamat mga kaibigan sa tawanan at kwentuhan panalo talaga kayo!
No comments:
Post a Comment