Re-post from multiply Posted Feb 1, '09 9:01 AM
Nung friday tatlong imbetasyon ng gimik ang natangap ko, despedida sa tagaytay, dinner inuman sa UP at despedida sa project 2. Problema naka commit na ako sa una bago nagsabi ang dalawa at hindi ko naman kayang pumunta sa tatlo. So sa tagaytay ako napadpad. Tapos kinabukasan naman ay may videoke night kasama ang JBHunt peeps.
Bon Voyage kina Mayk, Kim at Roselle! Pagbalik nyo isang malaking "okairi" ang matatangap nyo sa amin. Ingat din sa byahe Rhoda kahit di ako nakapunta sa despedida mo, next year ulet. Panalo ka john pinasaya mo ang araw, gabi ay umaga pala. Lupet mo pala uminom, ang LAKAS! Masaya ang kwentuhan kahit di nagkwento ang inaasahan. Ayun lang talaga laseng at namamahay pa rin ako na hindi ako nakatulog ng maayos, parang dalawa o tatlong oras lang ang tulog ko at napabangon na agad para magluto. Nagulat lang ako at nakita kong may nagluluto na kaya naligo na lang ako. Walang signal dun kaya umakyat ako sa tuktok para makontak sila lhen, buti na lang at sakto ang alis nila sa plano kaya tama ang timing ng lahat.
Pagtapos ng despedida sa tagaytay kinabukasan ay pinuntahan ako nila lhen sa may rotonda at dun nakipagkita sa kanila (salamat sa hatid mayk). Sa jollibee tuwang tuwa na si matt parang ayaw na umalis. Sa tagaytay namasyal kasama si kuya bert, grace, lhen at matthew, kumain sa leslie's at nagaliwaliw sa picnic grove.
Natuwa sa pagpapalipad ng sarangola, matapos malaman na maikli lang pala ang pisi kaya nasa dulo na nanghinayang tuloy kaya nya pa umangat eh. Natuwa ako dahil nung bata ako hindi ko mapaangat ang sarangola ko ng ganun kataas. Weirdo lang ang hangin pabago bago ng lakas at direksyon kaya hindi ma maintain ang sarangola sa taas (Pero seryoso tuwang tuwa ako parang natupad ang dream, ahahaha, salamat kay kuya at nagpilit bumili ng sarangola).
Pero paguwi talagang pagod na pagod na ako, nagbalak man pumunta pa ng makati di na kinaya ng katawan ko. 8:00 nasa bahay na kami naghahanda na umalis ulet, pero 8:30 nahiga at nakatulog ako, eto 8:00 ng umaga kakagising ko lang di ko man lang namalayan umaga na pala, sayang. Pero mukhang di ko na talaga kakayahin kung pumunta man ako, baka matulog lang ako dun. Malamang sinalo na ako ni cons, kung nakapunta sya. Pasalamat ka paolo at wala ako nun, kung hindi mas grabe pa. PASALAMAT ka!
No comments:
Post a Comment