Re-post from multiply Posted Nov 28, '09 3:35 AM
Nanood kami ng The Jerks sa 70s bistro kanina kasama ko si lhen. Sumunod sina aina at paolo pinagpilitan ni aina na makasunod para manood, umabot naman sa second set. Hmmm, di ko gaano na dig iyong unang set nila pero ok naman nakabawi ako sa second dahil kumanta sila ng lima na originals (reklamo ng reklamo, sayaw sa bubog, rage, ang ni request ko na bitterly at kun'di man). Naalala ko ang TK nung nakita ko ang mga bata sa may bar na nagsasayawan, nakakaingit dahil magkakasama sila isa ang hilig na musika. Namimiss ko na ang ganun. Karamihan sa mga bisita nila ay mga kaibigan magmula pa daw ng year one, nagka reunion ba sa gig nila. Isang gabi na puno ng blues, reggae, punk rock at rock en roll. Ika nga ni aina front row seats at aba'y nag 'thank you po' pa si aina nung paalis na kami, close sila, hahahahaha. Isang malaking maraming salamat naman ang isinagot ni sir chikoy sa amin nung paalis na kami ng 230 ng umaga. Nakakatuwa din ang mga kaibigan nila na sumasamang kumanta sa harap para makikanta sa banda at may nagharmonica pa ang gagaleng nila. Mga anak din ng kaibigan nila ay nandun at nakikisayaw, enjoy na enjoy, panoorin pa ang ang mg batang sumasayaw ala ska ay mapapangiti ka na. Ang lupit nila sa guitara parang walang effort, samantalang ako eh guitar hero lang ---hirap na hirap na. Medyo extended na nga sila dahil siguro nandun mga kaibigan nila, last time mga alas dos tapos na ang tugtugan pero ngayon mukhang nahataw pa rin sila. Sana nasayahan naman ang mga kasama ko gaya ng naramdaman ko, alam ko kasi medyo ala sa comfort zone ng interest nila ang banda, hehehe, iba kasi hilig ko. Salamat sa tugtugan jerks at sa kaibigan sa pagsama! Sa wakas nakabili na rin ako ng shirt ng jerks, bumili na rin ako ng cd bago umuwi suporta baga. aina penge akong pictures...
No comments:
Post a Comment