Saturday, December 15, 2012

Paulit-ulit: Nakakaduling || God of War

Re-post from multiply Posted Oct 12, '08 1:43 AM

Hirap pala ma-adik sa psp game, nag start ulet ako maglaro kahapon.  Kakatuwa kasi ang God of War: Chains of Olympus (Sorry ha medyo huli na ako) brutal ang mga fight scenes, ganda ng controls kasi simple lang, andun karamihan ang typical pang mature player, drugs at rak en roll na lang ang kulang.  Nakaka dalawang session na ako ng ubusan ng battery (mga 3 hours nag lalast ang PSP ko, normal ba iyon? wala ako idea eh), hina ko talaga sa mga dance revo, guitar hero type of game kasi lagi ako nagkakamali ng pipindutin sa mga keys.  Katatapos ko lang kagabi maglaro ng 2nd empty your battery rally ng God of War at saktong pagtapos parang naduduling na ako.  Ahahahaha, baka magaya ako sa kaibigan ko ah, peace!  Ganda ng game naaaliw ako, pindot lang ng pindot kapag may kalaban.  Galing ng mga special attacks saka ganda panoorin ang mga grab and kill ni Kratos.  Best hack and slash so far sa PSP na nalaro ko.  Hindi ko alam kung nangangalahati na ako or what pero feeling ko ala pa ako sa gitna dahil dami pa items at magic na nakalock.  Hehehe, buti at may kinaaliwan na naman ako sa PSP at least hindi na sya naka tenga lang sa kwarto.  Ang badtrip nyan naiwan ko sa office ang charger ko...

No comments:

Post a Comment