Saturday, December 15, 2012

Paulit-ulit: Velonica [Aqua Timez]

Re-post from multiply Posted Oct 16, '08 2:56 AM

Syempre excited ka dahil kakatapos lang ng napaka panget na filler episodes story arc ng Bleach.  Tapos bubungad sa iyo magandang opening video, buti maganda iyong opening kasi iyong kalahati ng episode eh flashback sa nangyari before nung napakapanget na filler story.  Ayos naman ang Velonica, upbeat na song, rap nga lang, madilim sa umpisa iyong video sumabay sa nakakatakot na bass.  Tapos ganda ng art nung mga captains and other characters habang nagplay ang song.  Eto mga screen shots.  Looking forward na ako mapanood sa anime ang mga nabasa ko sa manga.


Ah galing ano... dark tas flame... parang flame of recca.

Isa may subcaptain tapos iyong sa isa patay na, kamukha kasi ni ichigo eh kaya patay agad.

Si nemu at ang captain nya, makakahanap ito ng katapat sa hueco mundo (sorry spoiler, parang di nyo naman alam)

walang bago dito...

lalaban kaya ito, ever?
to the rescue! disappointing ang mangyayari kay kalbo pero ayos yung laban ni bading

magpapakitang gilas etong dalawa
ganda ng movie nito, ang nagustuhan kong part iyong hindi kay ichigo naka centro ang storia.  Ano kaya mangyari kay ichimaru at kay matsumoto?

may bankai na kaya ang sub-captain na ito? matanda na rin eh, baka meron na rin.
Napaka loser ng sub-captain ni soifon ni hindi man lang binigyan ng airtime sa opening video.  Buti pa si hisagi at kira may bearing at may magandang laban ahead. 

Spoiler na agad itong picture nila na ito, sila-sila na pupuntang hueco mundo.  At malaki si Nel dito ah.

Panalo! di ko lang maintindihan bakit sobrang lakas nya.

Sarap din abangan kung lalabas ang mga vizards sa royal rumble, at syempre ilalabas na ang secret nila in a few episodes or not so few.

akalain mo ano... lupet pala nun

Ganda ng pencil effect nila sa slash ni ichigo dito.

At ang ending syempre dapat pose ni ichigo, bida eh. Mamimiss naten si kon!

No comments:

Post a Comment